Isang makabuluhang hakbang para sa patuloy na paglago, kalidad, at inobasyon!
Kahapon, Oktubre 16, 2026, ikinagagalak ng Herbin Enterprises, sa pamumuno ng aming CEO na si Dr. John Edward Bautista, na makadalo at makiisa sa paglulunsad ng upgraded Food Research and Testing Laboratory (Shared Service Facility) sa Center for Food Technology and Research (CFTR), Tarlac State University – Villa Lucinda Extension Campus.

Bilang prebilehiyo na naging bahagi ng Aslagan Incubation program ng TSU, naging karangalan naming makasama ang kapwa mga MSMEs, iba't ibang institusyon, ahensya ng gobyerno katuwang ang DTI, Food and Drug Administration (FDA), ang Provincial Government of Tarlac, institusyon ng CLSU, at mga organisasyon tulad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Ang laboratoryong ito ay nilagyan ng mga makabagong kagamitan na magagamit sa masusing pananaliksik, pagsusuri, at pagbuo ng mga produktong nakabatay sa matibay na scientific evidence at sumusunod sa matataas na pamantayan ng kaligtasan at kalidad. Malaking tulong ito upang masigurong globally competitive at compliant ang bawat likhang lokal.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa TSU, DTI, Provincial Government of Tarlac, FDA, at lahat ng katuwang na sektor sa patuloy na pagsuporta at pagpapalakas sa kakayahan ng mga lokal na negosyo.
Patuloy kaming magsusumikap sa Herbin Enterprises na maghatid ng masustansya, pinag-aralan, ligtas, at de-kalidad na mga produktong natural para sa bawat Pilipino!